Dalawang nagbebenta ng sangkap at gamit sa paggawa ng bomba arestado sa Quezon
Arestado ang dalawang lalaki makaraang makuhanan ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog sa Lucena City, Quezon.
Ayon kay Lt. Col. Romulo Albacea, Lucena police chief, kinilala ang mga nadakip na sina Marilou Diolaza, 49 anyos at Harold Obciana, 40 anyos.
Naaresto ang dalawa sa joint operations ng mga pulis at sundalo sa Barangay Silangang Mayao.
Nagkunwari ang isang pulis bilang buyer at nagawa nitong makabili ng pitong sako ng ammonium nitrate at pitong rolyo ng blasting cap mula sa mga suspek.
Ayon sa mga otoridad, hindi otorisado ang dalawa na magbenta ng explosive materials.
Ang ammonium nitrate ay regulated chemical na ginagamit sa paggawa ng high nitrogen fertilizer.
Pero ginagamit din itong sangkap sa paggawa ngn bomba ng mga rebelde.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA No. 9516 o illegal manufacture, sales, possession of firearms and explosives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.