Chartered flight ng U.S. na may lulang American citizens galing Wuhan City patungo na ng Ontario, California

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2020 - 08:00 AM

Nakaalis na sa Wuhan City sa China ang chartered plane ng Amerika na naglikas sa kanilang mga mamamayan mula sa naturang lungsod.

Sakay ng eroplano ang 240 na American Nationals na pawang naipit sa Wuhan City nang ipatupad ang lockdown dahil sa novel coronavirus.

Ayon sa US State Department, may mga sakay ding diplomats ang eroplano.

Bago umalis sa Wuhan, isa-isa nang sinuri ang mga pasahero.

Dadaan muna sa Alaska ang eroplano para mag-refuel bago dumeretso sa Ontario, California kung saan ito lalapag.

Habang ginagawa ang refuelling ay muling isasailalim sa screening ang mga pasahero ng eroplano para matignan ang kanilang kondisyon.

Ang Ontario International Airport ay ilang taon nang ginagamit ng U.S. government bilang designated airport para tumanggap ng mga repatriated Americans na galing sa ibang bansa na mayroong emergency.

Ang mga airport personnel sa naturang paliparan ay sinanay sa emergency situations.

Pagdating sa Ontario, ang mga pasahero ay muling sasailalim sa screening.

TAGS: american nationals, China, current events, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, american nationals, China, current events, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.