Pagdaong ng barko sa Subic na may lulang mga Chinese, kinansela na
Kinansela na ang pagdaong ng isang barko na may sakay na mga Chinese sa Subic, Zambales sa Miyerkules (January 29).
Ayon kay Atty. Wilma Eisma, chair at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), hindi na tuloy ang port call ng M/V Dream World sa Subic Bay sa Miyerkules ng umaga.
Ito aniya ang naging resulta ng kaniyang pakikipagpulong sa may-ari ng barko, Martes ng hapon.
Samantala, mahigit 200 katao ang nagkasa ng protesta sa bahagi ng Volunteers’ Park para tutulan ang nakatakda sanang pagdaong ng cruise ship kasunod ng banta sa 2019-novel coronavirus.
Mula sa Hong Kong, dumating ang M/V Dream World sa Pier 15 ng Manila South Harbor sa Port of Manila, Martes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.