Pamimigay ng P1,000 monthly allowance sa PLM at UdM students, sinimulan na

By Angellic Jordan January 28, 2020 - 07:36 PM

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pamimigay ng P1,000 monthly allowance sa ilang estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang initial distribution ng student allowance sa ilalim ng Social Amelioration program.

Otomatikong mabibigay ang allowance ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang rehistradong GCash account.

Samantala, makakatanggap naman ng P500 kada buwan ang Grade 12 students sa mga pampublikong paaralan.

Kasunod nito, hinikayat ng alkalde ang mga estudyante na gamitin nang maayos ang kanilang allowance at tutukan ang kanilang pag-aaral.

Sinabi pa ni Moreno na ang nasabing benepisyo ay bahagi ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Maynila mula sa mga residente ng lungsod na nagbabayad ng buwis.

TAGS: Mayor Isko Moreno, P1000 monthly allowance for PLM and UdM students, Mayor Isko Moreno, P1000 monthly allowance for PLM and UdM students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.