20 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2020 - 05:45 AM

Tinupok ng apoy ang 10 bahay sa isang residential area sa Vicente Cruz Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw sa isang dalawang palapag na bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya umabot sa sampung bahay ang nasunog kabilang ang isang pagawaan ng plake.

Tinatayang aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Alas 3:37 naman nang maideklarang fire out na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire incident, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Sampaloc, sunog, Tagalog breaking news, tagalog news website, fire incident, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media Reporter, Radyo Inquirer, Sampaloc, sunog, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.