WATCH: Pilipinas, mas kailangan ng Estados Unidos
Inihayag ni Albay Rep. Joey Salceda na hindi kawalan para sa Pilipinas sakaling i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng banda at Estados Unidos.
Ayon sa mambabatas, ga-tinga lamang ang nakukuha ng Pilipinas na tulong mula sa Amerika kumpara sa Egypt at Pakistan.
Samantala, iginiit naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez dapat irekonsidera ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-terminate ng kasunduan.
Malaki aniya ang magiging epekto nito sakaling magkaroon ng armed conflict ang bansa sa China sa gitna ng agawan sa teritoryo.
Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.