Pinuntahan ng calamity funds at donasyong pera sa mga biktima ng Taal Volcano, dapat isapubliko

By Erwin Aguilon January 27, 2020 - 05:05 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Pinatitiyak ni Albay Rep. Joey Salceda na magkakaroon ng accounting at auditing sa mga donasyon para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Bukod pa anya ito sa calamity funds na gagamitin ng lokal na pamahalaan para sa mga kababayan nito na naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan.

Paliwanag ni Salceda, ang calamity fund ang pinaka-sagradong pondo ng gobyerno dahil ito ay nagliligtas ng buhay.

Dapat anyang mabatid ng publiko kung ano na ang status ng calamity funds, saan ito ginamit at sino ang mga nakinabang dito.

Matapos naman anya na ibaba ng Phivolcs sa Alert level 3 ang alerto ng Bulkang Taal, dapat simulan na agad ng pamahalaan at ng mga LGU ang rehabilitation partikular sa resettlement ng mga nakatira sa volcano island.

Bukod dito, pinapabalik na rin ang mga linya ng kuryente at tubig sa mga bayang apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.

Inirekomenda ni Salceda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga residente tulad ng “cash for work” at ang implementasyon ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers” (TUPAD).

Hiniling din ng kongresista na isailalim sa psychosocial care at stress debriefing ang mga biktima ng sakuna.

TAGS: Bulkang Taal, calamity funds, Rep JOey Salceda, Taal Volcano, Bulkang Taal, calamity funds, Rep JOey Salceda, Taal Volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.