CJ Peralta namahagi ng relief sa mga kawani ng Korte Suprema na naapektuhan ng Taal eruption
Binigyan ng ayuda ng Korte Suprema ang kanilang mga kawani na apektado nang pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Mismong si Chief Justice Diosdado Peralta ang nanguna sa pamamahagi ng relief goods sa Supreme Court (SC) compound sa Maynila Lunes ng umaga.
Aabot sa 37 empleyado ng Mataas na Hukuman ang nabigyan ng relief goods, matapos na masanlanta ng kalamidad.
Nauna nang naglabas ng memorandum si Chief Justice Peralta na humihimok sa lahat ng mga mahistrado, mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema na tumulong sa mga kasamahan nilang apektado ng Bulkang Taal.
Bilang pagtalima rito, ang mga taga-Hudikatura kasama na ang mga korte sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nag-ambag-ambag upang kahit papaano ay makatulong sa mga nasalanta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.