DA maglalaan ng cash assistance sa mga magsasaka na apektado ng pagputok ng Taal
Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng mga mamamayan sa paligid ng Bulkang Taal na lubhang naapektuhan ang kabuhayan mula nang pumutok ang bulkan.
Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes na naglaan ng P357-M ang pamahalaan upang makatulong sa rehabilitasyon ng pagsasaka, pamamalakaya at paghahayupan sa mga nasa paligid ng Taal Volcano.
Kasama aniya sa eskima ang pagbibigay ng pautang o ang “8 o 8 emergency assistanc e” sa mga naghahayupan o mga may alagang hayop na ngayon ay nasa pangangalaga ng pamahalaan.
Sa ilalim nito, maaaring iprenda ng isang farmer ang kanyang alagang hayop sa halagang 4-na-libong piso hanggang P8,000 kada ulo, walang tubo o interest at maaaring bayaran sa loob ng walong taon, hanggang sampung ulo lamang ang maaaring isanla ng isang nag-aalaga ng hayop, libre na rin ang pagkain at mga pangangailangan ng mga hayop.
Ang mga magsasaka naman ay pinaglaanan ng P22-M para sa mga gagamitin sa sakahan kasama na rin ditto ang mga fertilizer at iba pa.
Sa sandal naman aniyang mag-normal na ang sitwasyon, maaaring humirim ng hanggang P25,000 ang mga magsasaka na wala ring itinatakdang interest.
Sa kabuuan, umaabot sa P357-M ang inilaan ng Department of Agriculture para sa rehabilitasyon ng sector ng agrikultura, aqua farming at livelihood ng mga residente sa paligid ng Taal volcano na naapektuhan ng Taal volcanic eruption.
Samantala, nabatid kay Reyes na umaabot sa P3.2-B ang nasira sa sector ng palaisdaan sa lalawigan na napuruhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
May payo rin si Reyes sa mga may-ari ng palaisdaan na hanguin na o anihin ang mga alagang isda upang mapakinabangan.
Umaapela si Reyes sa mga ahensiya ng gobyerno na bigyan ng dalawa hanggang tatlong oras ang mga fish cage owners upang mahango ang kanilang mga isda.
Ngunit kanyang paalala na kung tanggalin ang mga bituka, hasang at mga kaliskis ng mga isda bago lutuin, at kailangan aniya ay buhay ang mga isda.
Dapat din aniyang ipasuri muna kung ang mga isda at alamin kung naapektuhan ng sulfur na galing sa bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.