Palasyo, umaasang mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng nasawing SAF44
Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na mabibigyan ng hustisya ang mga naiwang pamilya ng nasawing 44 Special Action Force (SAF) commandos sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito ay kasunod ng ika-limang anibersaryo ng ‘Oplan Exodus.’
Isinagawa ang operasyon noong January 25, 2015 para mahuli si Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alyas ‘Marwan.’
Sa inilabas ng pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na patuloy din ang pagdarasal sa kaluluwa ng 44 SAF commandos.
Hinikayat ni Panelo ang publiko na makapulot ng aral mula sa pagkakamali sa naturang operasyon upang hindi na maulit muli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.