Carasi, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
By Angellic Jordan January 25, 2020 - 12:17 PM
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Carasi, Ilocos Norte Sabado ng madaling-araw.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers Northeast ng Carasi dakong 5:08 ng madaling-araw.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.
Hindi naman ito nagdulot ng anumang intensities sa mga karating-lalawigan.
Wala ring naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.