Chinese clinic ipinasara sa Makati
Nagpatupad ng closure order ang Makati City Local Government laban sa isang Chinese clinic na ilegal na nag-ooperate sa lungsod.
Ayon sa Business Permit and Licensing Office, nilabag ng klinika ang City Ordinance No. 2004-A-025.
Ito ay dahil nag-ooperate ang clinic ng walang business o mayor’s permit.
Hinimok naman ng Makati City LGU at ng pulisya ang mga residente sa lungsod na maging mapagmatyag at agad ireport kung may mga establisyimento sa knilang lugar na ilegal ang operasyon.
Maaring tumawag sa Makati City Police Station sa 887-1798 o sa 0929-793-6525.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.