Health declaration cards ipamamahagi sa mga pasahero sa NAIA na galing China
Uumpisahan na ang pamamahagi ng health declaration cards sa mga pasahero na galing China.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga tauhan ng Bureau of Quarantine ang kukulekta ng naturang cards na dapat sulata ng mga pasahero.
Sa kopya ng health declaration card na mula sa MIAA, kabilang sa kailangang ideklara ng pasahero ang kaniyang buong pangalan, nationality, birthdate, date of arrival at flight number.
Kailangan ding sagutin ang tanong kung siya ba ay nagkasakit sa nakalipas na 30 araw at kung ano ang mga bansang kaniyang pinuntahan sa nakalipas na 30 araw.
Kailangan ding isaad kung saang hotel siya tutuloy, kaniyang seat number sa eroplano at address niya sa Pilipinas para sa mas mabilis na contact tracing kung kakailanganin.
Ang naturang hakbang ay kasunod ng novel coronavirus scare sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.