Mga empleyado na magtratrabaho bukas, Chinese New Year, may 30% na dagdag sa sahod
Tatanggap ng karagdagang 30 porsiento sa kanilang basic na sahod ang mga manggagawang magtatrabaho sa Enero 25 na araw ng pagdiriwang ng Chinese New Year.
Paalala ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sa mga employer na sumunod sa tamang panuntunan ng pasahod sa nasabing araw na idineklara bilang Special (Non-Working) Day.
Batay sa Labor Advisory No. 2, nagpaalala ang DOLE sa mga manggagawa na magtatrabaho sa Chinese New Year na dapat silang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang basic wage sa unang walong oras.
Ang kanilang basic wage ay dapat i-multiply sa 130 porsiyento at may COLA.
Inabisohan din ang mga empleyado na hindi papasok na ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays.
Kung nagtrabaho naman ng lagpas sa walong oras, dapat bayaran ang empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].
Para sa trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleado, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras, o [(Arawang sahod x 150%) + COLA].
Samantalang para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].
Ang panuntunan sa pasahod para sa Enero 25 na Special Non-Working Day ay alinsunod sa Proclamation No. 855 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.