20 kabataan, hinimatay sa pilgrims walk ng IEC

By Chona Yu January 29, 2016 - 09:54 AM

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

Dalawampung kabataan ang hinimatay sa pilgrim walk na isinagawa kagabi bilang bahagi ng 51st International Eucharistic Congress na idinadaos sa Cebu.

Isinagawa ang pilgrims walk sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City at sa Mandani Bay sa Mandaue City

Kahit nagpakalat ng mga water station sa kabuuan ng ruta ng prusisyon, marami pa rin ang nakaranas ng pagkahilo at hinimatay.

Samantala, sa pagpapatuloy ng IEC, sinabi ni Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle na hindi lang ang mataas na intelligence quotient at emotional quotient ang kinakailangan ngayon na hanapin sa mga nag-aaply ng trabaho kundi mahalaga na rin ang cultural quotient.

Paliwanag ni Tagle mahalaga ang cultural quotient dahil sa ganitong paraan natuto ang isang tao lalo na ang mga kabataan na magpahalaga sa kapwa.

Sa ngayon aniya mistulang nawawala na ang inculturation sa lipunan.

Ngayon ang ikaanim na araw ng IEC kung saan ipagpapatuloy ang youth day.

Nagkaroon ng morning prayers na pinangunahan ni Bishop Reynaldo Evangeliesta na susundan ng katesismo ni Cardinal John Onaiyekan.

TAGS: International Eucharistic congress, International Eucharistic congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.