Nasawi sa novel coronavirus sa China umakyat na sa 25
Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa novel coronavirus.
Mula sa 18 ay umakyat sa 25 ang bilang ng nasawi at nakapagtala na ng 830 na kumpirmadong kaso.
Kabilang sa nadagdag sa bilang ng nasawi ang isang 80 anyos na pasyente mula sa Hebei Province.
Ito ang unang pagkakatao na may nasawi na nasa labas ng Wuhan.
Magugunitang nagpasya ang World Health Organization (WHO) na huwag munang magdeklara ng public health emergency of international concern bunsod ng naturang sakit.
Ayon sa WHO, hindi pa naman maituturing na international concern ang paglaganap ng novel coronavirus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.