Ekonomiya sa 4th quarter ng 2019 lumago sa 6.4 percent
By Dona Dominguez-Cargullo January 23, 2020 - 10:28 AM
Nakapagtala ng 6.4 percent na paglago sa ekonomiya ng bansa sa 4th quarter ng 2019.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang services sector ang nakapag-ambag ng malaki sa paglago ng ekonomiya.
Bigo naman ang pamahalaan na makamit ang target growth rate para sa buong 2019 na 6 to 6.5 percent.
Sa halip ay nakapagtala lamang ng 5.9 percent na growth rate para sa taongs 2019.
Ayon sa NEDA, ito ang pinakamabagal na growth rate sa nakalipas na walong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.