Hinihinalang terorista mula UK, hinarang sa NAIA, babaeng Mongolian pinigilan din

By Ricky Brozas January 23, 2020 - 10:14 AM

Pinigilan ng mga tuhan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 3 ang isang hindi pinangalanang 51-anyos na Briton dahil sa umano´y koneksyon nito sa international terrorist group.

Ayon kay Immigration Port Operations Division Chief GriftonMedina, base sa intelligence information mula sa kanilang foreign counterparts, kilala ang naturang Briton na sangkot sa ilang terrorist activity kaya isinama na gad nila sa kanilang alert list.

Samantala, hinarang din ng Immigration sa NAIA ang isang babaeng Mongolian na nadiskubreng wanted pala dahil sa pambubugbog sa kanyang asawa at ang isang Briton na kabilang umano sa mga hinihinalang terorista mula sa United Kingdom.

Ayon kay Medina, pinigilan sa NAIA ang 33-anyos na si Unurjargal Altantsetseg na unang lumapag sa Mactan Cebu International Airport mula sa Incheon, South Korea.

Sinabi ni Medina na ang naturang Mongolian ay kasama sa red notice ng Interpol noong April 2019 dahil sa kasong assault at maltreatment sa Ulan Bator, Mongolia dahil sa pananakit sa kanyang asawa na nabulag at nagtamo ng serious physical injuries.

Agad na isinakay sa unang available na flights ang dalawang dayuhan pabalik sa kanilang pinanggalingang bansa.

TAGS: foreign terrorist, Inquirer News, mongolian, NAIA, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UK, foreign terrorist, Inquirer News, mongolian, NAIA, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.