‘Magnificent 7’, maglalaban-laban para sa pagka-pangulo

By Kathleen Betina Aenlle January 29, 2016 - 06:04 AM

7 presidentiablesPitong kandidato na ang inaasahang bubuo sa presidential race para sa May 9 elections.

Tinukoy ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista ang tinawag niyang “Magnificent 7” na malamang sa malamang ay maglalaban-laban para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Aniya, ito ay sina Vice President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance, Sen. Grace Poe na independent candidate, Mar Roxas ng Liberal Party, Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban, Sen. Miriam Defensor-Santiago ng People’s Reform Party, Rep. Roy Señeres ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka Workers and Peasants Party at ang isa pang nadagdag sa listahan na si Mel Mendoza ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Kaugnay dito, aminado si Bautista na pinag-debatehan ng COMELEC en banc ang pagpa-panatili o hindi ng pangalan ni Mendoza sa listahan.

Mismong si Bautista kasi ay naniniwala na hindi basehan ang pagkakaroon ng kilalang partido para mabigyan ng pagkakataong tumakbo sa pagka-pangulo, tulad ng naging desisyon ng en banc.

Paliwanag niya, dapat tingnan at siyasatin rin ang iba pang personal na kwalipikasyon ng isang kandidato.

Si Mendoza ay isang 40-anyos na assistant project officer na taga-San Jose del Monte, Bulacan.

Samantala, ang isa pa namang nais ring tumakbo bilang presidente na si Dante Valencia ay idineklara ng COMELEC en banc bilang nuisance candidate dahil sa kabiguan niyong patunayan ang kaniyang kakayahan na magsagawa ng kampanya sa buong bansa.

Gayunman, nilinaw ni Bautista na bagaman idineklara nang nuisance si Valencia, tulad ng iba, maari rin siyang tumungo sa Korte Suprema para humingi ng temporary restraining order sa kanilang desisyon.

Sa kabila ng paunang listahan na ito, maari pa rin itong magkaroon ng pagbabago dahil sa February 3 pa nakatakdang maglabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato ang COMELEC, habang sa February 8 naman ang pag-iimprenta ng mga balota.

TAGS: commission on elections, may elections, commission on elections, may elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.