Isa patay dahil sa tong-its sa Davao Oriental

By Mary Rose Cabrales January 23, 2020 - 06:10 AM

Patay ang isang magniniyog matapos makaalitan ang isa pang magniniyog dahil sa kulang na P12 na taya sa larong tong-its sa isang lamayan sa Barangay Macangao sa Lupon sa Davao Oriental noong nakaraang Linggo.

Nakilala ang biktimang si Edgardo Duran at ang suspek naman na si Romualdo Torres Sr.

Ayon kay Police Maj. Kenneth Lador, hepe ng Lupon police station, nagka-initan ang dalawa dahil sa kulang na taya ng biktima na hindi binayaran.

Sinuntok ni Duran si Torres at inawat na lang ng kanilang mga kaibigan.

Nagtanim ng galit ang suspek sa biktima dahil sa insidente at ng sila ay magkita sa lutuan ng kopra na may kalayuan sa bahay ni Edgardo ay nangyari ang pamamaril gamit ang isang improvised shotgun at kung saan tanging ang binatilyong anak ng biktima ang saksi sa krimen.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ni Duran para sa kanilang ama.

Kasong murder naman ang isasampang kaso ng mga pulis laban sa suspek na si Torres.

TAGS: davao oriental, Inquirer News, Lupon, News in the Philippines, one dedad, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, davao oriental, Inquirer News, Lupon, News in the Philippines, one dedad, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.