Northeast monsoon nakakaapekto sa buong bansa; Easterlies posibleng umiral na bukas
Northeast monsoon o amihan pa rin ang nakakaapekto sa buong bansa ngayong araw ng Huwebes (January 23).
Ayon sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, makararanas ng maaliwalas na panahon na may pulo-pulong pag-ulan ang buong Luzon kasama ang Metro Manila.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan ang Eastern Visayas dahil pa rin sa epekto ng Northeast monsoon.
Ang Bohol, Siquijor, Cebu, kasama na ang Camotes at Bantayan, Negros, Guimaras at Panay Island at Palawan ay makararanas ng maaliwalas na panahon, mas malamig na temperatura at mga panandaliang mahihinang mga pag-ulan lamang.
Maulap na kalangitan naman may mahinang mga pag-ulan ang mararanasan sa Caraga region sa Northeastern part ng Mindanao dahil pa rin sa epekto ng amihan.
Ang Davao region, Soccsksargen, nalalabing bahagi ng Northern Mindanao at Bangasamo, Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago ay makararanas din ng maaliwalas na panahon, mas malamig na temperatura sa mga matataas na bahagi at mga panandaliang mahihinang mga pag-ulan lamang.
Simula naman bukas Biyernes hanggang sa weekend ang hangin ay manggagaling na sa silangan at iiral ang easterlies.
Samantala, Wala namang binabantayang sama ng panahon na posibleng mabuo o pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR) na makakaapekto sa bansa sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.