China nagpatupad ng shutdown sa transportasyon sa Wuhan City
Ipinahinto ang lahat ng biyahe ng eroplano sa mga paliparan sa Wuhan City sa China.
Inatasan din ng special command center ng Wuhan City ang lahat ng residente ng huwag lalabas ng lungsod kung walang importanteng dahilan.
Ang hakbang ay upang maawat ang pagkalat ng sakit na muna sa bagong strain ng coronavirus at kahalintulad ng SARS.
Samantala, pinagpaliban naman ng World Health Organization (WHO) ang pagdedesisyon kung idedeklara na ba ang global health emergency dahil sa nasabing sakit.
Ayon sa WHO, kailangan pang magsagawa ng mas masusing pag-uusap at mangalap ng karagdagang mga impormasyon.
Muling magpupulong ang emergency committee ng WHO para ituloy ang diskusyon.
Umabot na sa 17 ang nasawi sa China dahil sa sakit na umabot na rin sa iba pang mga bansa sa Asya at maging sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.