Sunog sa residential area sa Tondo, Maynila umabot sa Task Force Delta
(UPDATE) Umabot sa Task Force Delta ang alarma ng sunog na naganap sa Lico Street, Solis, Tondo Maynila.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, bago mag-ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes (Jan. 23) nang magsimula ang sunog.
Pasado alas 3:00 ng madaling araw nang itaas sa Task Force Delta ang alarma ng sunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Tatlo naman ang naitalang nasugatan sa insidente na pawang nagtamo lamang ng minor injuries.
Alas 4:21 ng umaga naman nang maideklarang under control na ang sunog.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.
Pero ayon sa Manila Fire Bureau, aabot sa 100 mga bahay ang nasunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.