US umayuda na rin sa mga biktima ng Taal eruption

By Ricky Brozas January 22, 2020 - 02:20 PM

Nagpadala na rin ng tulong ang pamahalaan ng Estados Unidos sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon sa U.S. Embassy, kasabay ng pagbisita ni US Ambassador to the Philippine Sung Kim at iba pang tauhan ng embahada sa mga eskwelahan sa Batangas na nagsisilibg evaucation centers, inanunsyo ni Ambassador Kim ang pagkakaloob ng U.S. government ng 100,000 dolyar o katumbas ng P5.1 milyong tulong sa mga residenteng apektado ng Taal eruption.

Sumama si Ambassador Kim sa mga katuwang nito sa Philippines Disaster Resilience Foundation sa pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Calatagan.

Namahagi ang United States government, sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development o USAID at ng World Vision, ng relief supplies gaya ng sabon, kumot at matutulugan sa halos 7,600 indibidwal na nananatili pa rin sa Nasugbu West Central School.

Nangako si Ambassador Kim na bilang kaalyadong bansa, magpapatuloy aniya ang suporta ng Amerika sa pamahalaang Pilipinas na tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng Bulkang Taal.

Pinasalamatan din ni Ambassador Kim ang mga kumpanyang katuwang ng Philippine Disaster Resilience Foundation sa tulong nito sa mga evacuees.

TAGS: Estados Unidos, Taal Volcano, U.S. Embassy sa Maynila, Estados Unidos, Taal Volcano, U.S. Embassy sa Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.