Habeas Data petition ni De Lima laban kay Pangulong Duterte ibinasura ng Korte Suprema

By Ricky Brozas January 22, 2020 - 12:35 PM

Ibinasura na ng Korte Suprema ang inihain habeas data petition ni Sen. Leila De Lima laban kay Pangulong Duterte kaugnay ng umano’y harassment at psychological violence ng pangulo laban sa sendora.

Sa mahigit 20-pahinang resolusyon ng SC, ibinasura ng Supreme Court en banc ang hirit ni De Lima na mapanagot ang pangulo sa kabila ng tinatawag na immunity from suit bilang president ng bansa.

Ang reklamo ng senadora laban sa pangulo ay dahil sa umano´y verbal attacks nito laban sa kanya nang isapubliko ang ilang mga impormasyon patungkol sa kanyang personal na buhay at umano´y private affairs o relasyon nito.

Sa petisyon ni De Lima, inireklamo nito ang ilang personal na pag-atake sa kanya ng pangulo at ng mga kaalyado nito na hindi na anya saklaw ng kanyang mandato bilang presidente.

Paliwang ng SC, hindi maaring kasuhan sa ngayon si Pangulong Duterte na isang incumbent President dahil saklaw ito ng tinatawag na immunity from suit.

TAGS: habeas data, Inquirer News, leila de lima, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, president duterte, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, habeas data, Inquirer News, leila de lima, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, president duterte, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.