WATCH: Ilang negosyo sa Tagaytay City balik-normal na
Balik-normal na ang ilang negosyo sa Tagaytay City.
May mga establisyimento, gaya ng restaurants ang bukas na sa publiko.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Tagaytay City, nasa 50 business establishments kasama ang ilang malls ang nagbukas na.
May mga bumibiyahe na ring jeep at tricycle.
Pero kapansin-pansin na marami pa ring establisyimento ang sarado lalo na ang sakop ng walong barangay na unang idineklara ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sakop ng 14 kilometer danger zone.
Una nang sinabi ng DILG na ang mga establisyimento na hindi sakop ng idineklarang nasa loob ng 14-kilometer danger zone ay pwede nang magbalik sa normal ang negosyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.