Lalaki sa Washington na bumiyahe sa Wuhan City, nagpositibo sa coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2020 - 06:50 AM

Isang lalaki sa Washington ang nag-positibo sa bagong strain ng coronavirus na galing sa Wuhan City, China.

Ayon sa state health officials sa Washington, ang lalaki ay nasa edad 30 na stable naman ang kondisyon ngayon sa Providence Regional MEdical Center sa Everett, Washington.

Noong nakaraang linggo bumalik ng US ang lalaki galing Wuhan City.

Nang dumating sa Seattle ay nagsimula nang sumama ang pakiramdam nito.

Agad siyang kinuhanan ng sample na ipinadala sa Center for Disease Control and Prevention.

Nakumpirma namang positibo siya sa coronavirus na tumama sa halos 300 katao sa China at iba pang bansa sa Asya.

Ayon sa mga opisyal ng CDC, palalawakin pa nito ang kanilang mahigpit na screening sa mga paliparan sa Amerika.

TAGS: coronavirus, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Washington, Wuhan City, coronavirus, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Phillipine Breaking News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Washington, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.