DOH nagpalabas ng abiso kung paanong makakaiwas sa Coronavirus
Nagpalabas ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko para makaiwas sa Coronavirus.
Ayon sa abiso ang coronavirus ay kapamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang mga sakit mula sa karaniwan lamang na ubo at sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon.
Sa malulubhang kaso, maari itong magdulot ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato at maaring makamatay.
Kabilang sa sintomas ng sakit ay pagbagal o pag-iksi ng hininga, lagnat, respiratory symptoms, ubo at sipon at hira sa paghinga.
Para makaiwas sa mga sakit na dulot ng coronavirus, ugaliing gawin ang mga sumusunod:
– Ugaliing maghugas ng kamay
– Iwasan ang contact sa mga hayop
– Lumayo at takpan ang bibig at ilong tuwing uubo o babahin
– Umiwas sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon
– Uminom ng maraming tubig at siguraduhing luto ang mga pagkain
– Agarang kumonsulta sa health facility kung may sintomas ng ubo at sipon lalo na kung bumiyahe sa Wuhan City, China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.