Isang motorbanca na may sakay ang 23 turista na pawang mga Chinese national ang tumaob sa karagatang sakop ng Boracay Island habang nag- island hopping, Martes ng tanghali.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dahil sa malalakas na hangin sa laot, nasira ang katig ng motorbanca na “Jocelyn 1” hanggang sa ito ay tumaob sa karagatang sakop ng Barangay Balabag sa Boracay Island.
Lulan nito ang 28 indibidwal, 23 rito ay mga turistang Chinese, dalawang Filipinong tour guide, dalawang crew at ang nagsilbing kapitan ng bangka.
Isang babaeng Chinese na nakilalang si HongfangKuai ang namatay na una nang nalagay sa kritikal na kondisyon.
Isinailalim pa sa cardiopulmonary resuscitation o CPR ang naturang pasahero pero hindi rin naisalba.
Kabilang sa mga pasaherong isinugod sa ospital ay sina:
– Lu Kuaile, 11-anyos
– Gao Yue, 24-anyos
– Luo Meimei, 60-anyos
Sinasabing nawalan nang malay ang mga ito pero ligtas na rin naman at nasa maayos nang kondisyon.
Ligtas na rin ang iba pang mga pasahero at crew ng nagkaaberyang motorbanca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.