CHR, iimbestigahan ang pagpatay sa dating Bulacan vice mayor at brgy. chairman
Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay kina dating Pandi, Bulacan Vice Mayor Oca Marquez at Barangay Bagbaguin Chairman Mauro Capistrano.
In-ambush ang dalawa sa loob ng isang restaurant sa bahagi ng Plaridel Bypass Road sa Barangay Bulihan noong araw ng Linggo, January 19.
Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ang mga law enforcement agency na madaliin ang pagkilos para malaman ang pagkakakilanlan ng dalawang responsable sa krimen at motibo ng mga ito.
Aniya pa, ang vigilante killings, pulitikal man o hindi, ay paglabag sa karapatang pantao.
Kasunod nito, magsasagawa aniya ng imbestigasyon sa kaso ang CHR Region 3 para makatulong na mahuli ang mga suspek sa krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.