Taal bakwit hinimok ni Pangulong Duterte na lumipat sa Davao

By Chona Yu January 21, 2020 - 01:31 PM

Personal na hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-Batangas na lumipat na lamang ng Davao.

Ito ay kung patuloy na mag-aalburuto ang bulkang Taal.

Sa pagbisita ng pangulo kahapon sa mga bakwit sa Sto. Tomas, Batangas, sinabi nito na malawak pa naman ang lupa sa Davao.

Marami rin naman aniya ng mga Batangieno ang naninirahan na sa Davao.

Pero babala ng pangulo, may bulkan din sa Davao. Ito ay ang Mount Apo na pinakamalaking bulkan sa Pilipinas.

Pero ayon sa pangulo hindi naman aktibo ang bulkang Apo gaya ng bulkang Taal.

TAGS: Bulkang Mayon, Davao, Mt. Apo, Pangulong Duterte, Taal eruption, Taal evacuees, Bulkang Mayon, Davao, Mt. Apo, Pangulong Duterte, Taal eruption, Taal evacuees

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.