Pagtatag ng multi-purpose evacuation centers pinamamadali na ng DepEd
Dapat na umanong iprayoridad ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga multi-purpose evacuation centers.
Ito ang reaksiyon ni Education Secretary Leonor Briones sa harap nang pagkaantala ng pasok ng mga bata sa eskuwela sa tuwing may kalamidad.
Iyan ay dahil pangunahing nagiging takbuhan ng mga tao ang mga eskuwelahan bilang evacuation centers.
Sa kasalukuyan sinabi ni Briones na mahigit pitong libong eskuwelahan ang okupado ngayon sa Batangas at Cavite na pansamantalang ginawang evacuation centers.
Paliwanag ng kalihim, kung may multi-purpose evacuation centers ay hindi na maantala pa ang pasok ng mga estudyante tuwing may kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.