Isda mula sa Taal Lake ligtas kainin – BFAR
Ligtas para kainin ang mga isda mula sa Taal Lake ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon sa BFAR, nagsagawa sila ng laboratory analyses sa tubig at fish samples sa Taal Lake at lumitaw na ligtas kainin ang mga ito.
Pero ayon sa BFAR, kailangang matiyak na malilinis ng mabuti at maluluto ng tama ang mga isda bago kainin.
Una rito ay nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na huwag bumili at kumain ng isda galing Taal Lake.
Ayon sa DOH maari itong magdulo tng pasusuka, diarrhea at pananakit ng tyan.
May mga isda pa ring nahuhuli sa Taal Lake.
Ang iba namang isda ay mula sa mga nasalantalang fish cages nang pumutok ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.