Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

By Dona Dominguez-Cargullo January 21, 2020 - 06:27 AM

Epektibo na ngayong umaga ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

May rollback na P1.70 sa kada litro ng diesel, P1.65 sa kada litro ng kerosene at 84 centavos sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Petron, Chevron, Shell, Flying V at Seaoil.

May parehong halaga ng rollback sa diesel at gasolina ang Eastern Petroleum, PTT, Petro Gazz.

Alas 6:00 ng umaga naging epektibo ang bawas presyo ng mga kumpanya ng langis.

Mas malaki naman ng bahagya ang rollback ng Cleanfuel sa gasolina na 90 centaovos at epektibo na ito alas 4:01 ng hapon noong Linggo (Jan. 19).

TAGS: Breaking News in the Philippines, BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, News in PH, oil price, PH news, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, News in PH, oil price, PH news, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.