Biglang-taas ang presyo ng crude oil sa pandaigidigang pamilihan matapos lumabas ang ulat na plano ng Oranization of Petroleum Exporting Countries o OPEC na bawasan ang suplay nito sa mercado.
Ayon kay Russian energy minister Alexander Novak na iminungkahi na ng Saudi Arabia sa 12 bansang kasapi ng OPEC na magbawas ng hanggang limang porsiyento o 5% ang produksyon ng langis upang palakasin ang presyo nito sa world market.
Mayroon rin aniyang usap-usapan na magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga OPEC at non-OPEC countries upang talakayin ang mungkahi.
Sakaling matuloy, inihayag ni Novak na handa ang Russia na lumahok sa pagpupulong.
Matapos lumutang ang balita, agad na sumipa ang presyo ng langis partikular ang Brent crude na itinuturing na international benchmark o batayan pagdating sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sa pinakahuling tala, umakyat sa $35.82 per barrel ang presyo ng Brent crude.
Ang West Texas Intermediate crude oil ay umakyat naman sa $33.87 per barrel.
Nitong nakaraang linggo lamang inihayag na ni Khalid al-Galih, chairman ng Saudi Aramco, na wala silang balak na bawasan ang produksyon ng langis sa kasalukuyan at hintayin ang pagtaas muli ng presyo nito bago matapos ang taong 2016.
Gayunman, ang naturang komento ng Saudi Aramco ay lalong nagpakita ng dibisyon sa pagitan ng mga bansang kasapi ng OPEC.
Kung ang Saudi Arabia ay pabor na mapanatili ang produksyon at maghintay hanggang sa huling bahagi ng taon upang magpatuloy sa paglaban na makuha ang market share mula sa mga bansa na dating miyembro ng OPEC, ang ibang bansa naman ay mas gustong bawasan ang produksyon upang maiangat na agad ang presyo nito at kita mula sa crude oil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.