Kalakaran ng ilegal na droga sa Cebu maunlad ayon kay Pangulong Duterte
Ibinuyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maunlad ang pagnenegosyo ng ilegal na droga sa Cebu.
Sa talumpati ng pangulo sa Sinulog Festival sa Cebu City, partikular na tinukoy ng pangulo ang Talisay City na may pinakamalakas na kalakaran ng ilegal na droga.
Katunayan sinabi ng pangulo na nasa state of unrest ngayon ang Talisay City.
Pakiusap ng pangulo, bigyan lang siya ng sapat na panahon para matugunan ang problema.
Sinabi pa ng pangulo na sangkot sa ilegal na droga sa Cebu ang mga kagawad, mga law enforcement units kabilang na ang mga chief of police, deputies at directors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.