WATCH: Ilang residente nakakauwi pa rin sa San Nicolas, Batangas
Ilang residente pa rin ang nakakauwi sa San Nicolas sa Batangas na sakop ng 14-kilometer high risk danger zone.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagpapatupad ng total lockdown sa mga bayan na sakop ng danger zone.
Katwiran ng ilang residente, umuuwi sila para lamang magpakain ng kanilang alagang hayop.
Hindi rin umano sila araw-araw umuuwi kundi tuwing ikalawang-araw lamang.
Ayon pa sa isang residente na nakausap ng Radyo Inquirer, tinitignan muna nila ang aktibidad ng bulkan bago sila umalis sa evacuation center at umuwi sa kanilang bahay.
Una rito ay kinansela na ng kinasela na ng DILG ang ipinatutupad na window hours ng mga munisipalidad na malapit sa Bulkang Taal.
Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na ipinagbabawal na nila na makabalik pa sa kanilang mga komunidad ang mga residente para kumustahin ang lagay ng kanilang mga bahay at mga alaga.
Ayon kay Año, nakaamba pa rin kasi ang banta nang muling pagsabog ng Taal volcano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.