Isang paaralan sa Maynila binulabog ng bomb threat

By Ricky Brozas January 20, 2020 - 09:41 AM

Sinuspinde ngayong araw ng Lunes (Jan. 20) ng pamunuan ng Philippine College of Criminology ang klase matapos na makatanggap ng bomb threat.

Sa kanilang Facebook Page, inanunsiyo ang suspensiyon ng lahat ng klase at pinauwi na rin ang mga estudyanteng nakapasok na matapos na matanggap ang pagbahanta ng pagpapasabog.

Agad namang isinailalim sa inspeksyon ng pulisya ang lahat ng sulok ng tatlong gusali ng kolehiyo at ang buong campus.

Bagaman cleared na ay hindi na pinapasok ang mga mag-aaral at patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinanggalingan ng bomb threat.

Tuloy naman na ang regular na klase sa PCCR bukas, Martes, Jan. 21.

TAGS: Bomb threat, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, PCCR, PH news, Philippine College of Criminology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bomb threat, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, PCCR, PH news, Philippine College of Criminology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.