May fault na gumalaw sa naitalang magnitude 4.6 na lindol sa Mabini, Batangas – PHIVOLCS
Kinumpirma ni Phivolcs Director Renato Solidum na may fault na gumalaw sa naitalang magnitude 4.6 na lindol sa Mabini, Batangas Linggo (Jan. 19) ng gabi.
Hindi kasi volcanic kundi tectonic ang origin ng naturang pagyanig base sa inilabas na earthquake bulletin ng Phivolcs.
Ayon kay Solidum, noong April 2017 ay nakapagtala na ng serye ng pagyanig sa lugar dahil sa paggalaw ng fault.
Pero pinag-aaralan aniya ng Phivolcs kung ang tectonic quake sa Mabini ay maaring maiugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ang pagyanig sa Mabini ay naganap 8:59 ng gabi ng Linggo.
Naitala ang Intensity 5 sa Mabini at Bauan.
Habang nakapagtala din ng Intensity 2 hangang 4 sa iba pang bayan at lungsod sa Batangas, Oriental Mindor0, Laguna at Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.