Magnitude 6.0 na lindol tumama sa Indonesia
By Dona Dominguez-Cargullo January 20, 2020 - 05:32 AM
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Sulawesi, Indonesia.
Sa datos ng European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC) naitala ang pagyanig sa 116 kilometers southeast ng Gorontalo, Indonesia.
May lalim na 131 kilometers ang pagyanig.
Ayon naman sa US Geological Survey (USGS) ang pagyanig ay naitala sa kagatang bahagi ng Gorontalo.
Naganap ang pagyanig bago mag ala 1:00 ng madaling araw oras sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.