Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Agoncillo, Batangas Linggo ng umaga.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 6 kilometers Northwest ng nasabing bayan bandang 10:20 ng umaga.
May lalim ang lindol na 21 kilometers at volcanic ang dahilan.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.