Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan

By Angellic Jordan January 18, 2020 - 02:02 PM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, bumaba sa 203.97 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa 204.03 meters noong araw ng Biyernes, January 17.

Maliban dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Tanging nadagdagan ang tubig sa Binga Dam.

Nananatili naman sa 101.10 meters ang antas ng tubig sa Ipo Dam.

TAGS: Angat Dam, Pagasa, PAGASA hydrology division, Angat Dam, Pagasa, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.