Aktor na si Jiro Manio, timbog dahil sa umano’y pananaksak sa Marikina
Naaresto ang aktor na si Jiro Manio matapos umanong saksakin ang isang lalaki sa Marikina, Biyernes ng gabi.
Batay sa ulat ng Marikina City police, isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa mga otoridad sa tangkang pananaksak sa biktimang si Zeus Doctolero, 25-anyos.
Naganap ang insidente sa bahagi ng M.A Roxas Street sa bahagi ng Barangay San Roque.
Dinala si Doctolero sa ospital para masuri.
Sa ngayon, nakakulong si Manio sa kustodiya ng Marikina City police.
Mahaharap ang aktor sa kasong frustrated homicide.
Nakilala si Manio matapos pagbidahan ang pelikulang “Magnifico” noong 2003 at “Tanging Ina” film series kasama si Ai Ai delas Alas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.