Halaga ng ipinadalang tulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, umabot na sa P16.5-M
Tinatayang aabot na sa P16.5 milyon ang halaga ng tulong na ipinadala sa mga apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang P16,585,936.61 ang halaga ng naipadalang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at mga local government unit (LGU).
Samantala, nasa 22,472 na pamilya o 96,061 na indibidwal naman ang apektado ng pagsabog ng bulkan sa bahagi ng Batangas, Cavite at Laguna.
Sa nasabing bilang, 16,174 na pamilya o 70,413 na katao ang nananatili pa rin sa 300 itinalagang evacuation centers.
Sa update ng Phivolcs bandang 8:00 ng umaga, nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.