Engineer nahulihan ng mga bala sa MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo January 17, 2020 - 09:49 AM

Inaresto ang isang engineer makaraang mahulihan ng mga bala sa Taft Avenue station ng MRT-3.

Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si Xavier Sumaya, 26 anyos isang electronics engineer.

Papasok si Sumaya sa Taft Station nang isailalim sa pagsusuri ang kaniyang gamit, Huwebes (Jan. 16) ng gabi.

Nang inspeksyunin ang bag ay nakita ang iba’t ibang uri ng bala sa loob nito.

Ayon sa Pasay Citiy police, bala para sa M203, 45 caliber pistol, M16 rifle at mga bala para sa tatlong iba pang uri ng armas ang nakuha sa suspek.

Dinala si Sumaya sa Pasay City police headquarters para maimbesitgahan.

TAGS: ammunition, Inquirer News, MRT 3, mrt-3 passenger, News in the Philippines, Pasay City Police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ammunition, Inquirer News, MRT 3, mrt-3 passenger, News in the Philippines, Pasay City Police, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.