Impeachment trial kay Trump umarangkada na sa US Senate
Ganap nang nagsimula ang impeachment trial kay US President Donald Trump sa Senado.
Sa pagsisimula ng trial, nanumpa ang mga Senador na magiging “impartial” sila sa pagdedesisyon sa impeachment case.
Si Supreme Court Justice John Roberts ang nag-preside ng impeachment trial at nagpanumpa sa mga senador ng Amerika.
Sa susunod na linggo inaasahan na ang full trial sa kaso.
Base sa Articles of Impeachment, si Trump ay pinapanagot sa mga kasong “high crimes” at “misdemeanors”.
Ito ay dahil sa pagpilit umano ni Trump sa Ikraine na imbestigahan ang nakalaban niya sa pulitika na si Joe Biden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.