Supplemental budget para sa recovery at rehabilitation ng Batangas, dapat ipasa ng Kamara
Hinikayat ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang liderato ng Kamara upang magpasa ng supplemental budget para sa pagbangon ng lalawigan ng Batangas kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Salceda, kulang ang P16 bilyong inilaang budget para sa disaster fund sa 2020 General Appropriations Act.
Kailangan anya na magpasa ng supplemental budget lalo na kung pangkabuuan ang gagawing rehabilitasyon sa mga bayan na apektado ng Bulkang Taal.
Sa kanyang pagtaya, mangangailangan ng P12 bilyong pondo para sa recovery at reconstruction ng mga apektadong lugar sa dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Paliwanag ni Salceda, dapat ay nasa P20 bilyon ang orihinal na disaster relief fund pero binawasan nila ito sa taong 2020 dahil hindi naman nagagamit o mabagal ang utilization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.