Mga inilikas dahil sa pagputok sa Bulkang Taal binabantayan sa posibleng pagkakasakit at trauma

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 11:09 AM

Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga nasa evacuation centers matapos masalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maraming may edad na nakaranas ng trauma matapos ang pagputok ng bulkan.

Sinabi ni Duque na may mga nakadeploy na psychosicial health officers katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tignan ang kalagayan ng mga evacuees.

Para naman sa mga bata, may isinasagawang pamamaraan upang mai-divert ang kanilang atensyon at maiiwas sila sa trauma.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng book reading, pagpapalaro at religious activities.

Samantala, binabantayan din ng DOH ang posibilidad na magkaroon ng pagdami ng nagkakasakit sa mga evacuation center.

TAGS: doh, dswd, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, trauma, doh, dswd, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, trauma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.