4 katao nag-positibo sa Zika virus sa New York

By Dona Dominguez-Cargullo January 28, 2016 - 08:21 AM

Dengue_1Nakapagtala na ng apat na kaso ng Zika virus sa New York City.

Ayon sa local health officials sa New York, ang mga nagpositibo sa nasabing sakit ay pawang galing sa ibang mga bansa.

Nang bumalik sa New York ay nakitaan umano sila ng sintomas at nang suriin ay positibo sila sa Zika.

Hindi naman delikado ang kondisyon ng mga pasyente.

Ayon sa health department ng Nassau County, sa kanilang lugar ay may isang pasyente na nagbiyahe sa labas ng bansa at nagsimulang magpakita ng sintomas noong Agosto.

Hindi na aniya naospital ang pasyente dahil mabilis din itong naka-recover.

Isang residente naman ng Orange County ang nagbiyahe kamakailan sa South America ang nagpositibo rin sa Zika.

Samantala, dahil sa paglaganap ng nasabing virus, nag-alok na ang LATAM (Latin American) Airlines ng refund sa mga buntis na may nauna nang napa-book na biyahe patungo sa mga Latin American at Caribbean countries na apektado ng sakit.

Ayon sa Chile-based na LATAM Airlines , na itinuturing na largest carrier sa Latin America, ibabalik nila ang binayad ng mga buntis at kanilang traveling companions na may nauna nang booking patungong Brazil, Colombia, Mexico at iba pang lugar na apektado ng virus.

Tiniyak ng airline company na wala silang sisingiling extra charge sa mga buntis at kanilang kasama na magkakansela ng biyahe.

TAGS: zika virus, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.