Japan nakapagtala na ng kaso ng coronavirus

By Dona Dominguez-Cargullo January 16, 2020 - 09:37 AM

Kinumpirma ng pamahalaan ng Japan na nakapagpatala na ito ng unang kaso ng coronavirus.

Ayon sa isang opisyal sa Japan, isang Chinese national na bumiyahe sa Wuhan, Eastern China kamakailan ang nag-positibo sa virus.

Nasa edad 30 ang Chinese national na naninirahan sa Kanagawa Prefecture.

Bumalik ito sa Japan noong January 6, 2020 at nagsimulang makaramdam ng sintomas noong January 10.

Naka-recover naman na ang lalaki at nakalabas na sa ospital.

Ang naturang virus na ang mga sintomas ay kahalintulad ng pneumonia ay nakaapekto na sa maraming indibidwal sa China simula noong Disyembre.

TAGS: China, coronavirus, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, China, coronavirus, Inquirer News, Japan, News in the Philippines, novel coronavirus, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.